Patay ang isang babae matapos na ito ay barilin sa Barangay 650 sa Maynila, kagabi.

Hindi na umabot ng buhay dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo ng biktimang si Roselle Mae Opada, 26-anyos.

Ayon sa kinakasama ng biktima, naglalakad lamang sila sa bahagi ng Railroad St. sa Port Area ng ito pagbabariling ng hindi pa nakilalang suspek.

Hindi pa matukoy ng mga kapulisan ang motibo sa nasabing insidente.