Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabawal ng importasyon ng domestic at wild birds maging sa mga poultry meat at ilan pang mga produkto mula sa anim na estado ng United States na Indiana, Maryland, Missouri, New York, Ohio at Pennsylvania.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa inilabas na Memorandum Order no. 32, isinasaaad nito na ipinagbawal ang importasyon dahil sa paglaganap ng highly pathogenic avian infuenza (HPAI).
Inalis na ang import ban matapos na kumpirmahin ng veterinary authority ng US na kasalukuyan nanag naresolba ang pagkalat nito.
Aniya, pangunahing isinasaalang-alang ng kanilang departamento ay maprotektahan ang local poultry industry na siyang mahalagang bahagi ng food security plan at pangunahing nagbibigay ng kita at nagpapataas ng lagay ng ekonomiya ng bansa.
Ksunod nito inaasahan naman ng ahensya n ang panuumbalik ng importasyon sa US ay magpapalakas sa poultry supply sa bansa at makakatulong na mapagaan pa pressure sa mga presyo ng mga naturang produkto.
Sa kabila nito ay maghihigpit pa rin ang DA at inihayag na bagamat pinayagan nang muli ang importasyon, dapat na masusing binubusisi pa rin ang lahat ng kargamento upang matiyak na sumusunod ito sa veterinary quarantine protocols at maging sa food safety regulations ng kanilang tanggapan bago ilabas sa mga pamilihan.