-- Advertisements --
Naglabas ng bagong kanta ang girl group na Pussycat Dolls na “Club Song”.
Ito ang unang kanta ng grupo na inilabas matapos ang anim na taon.
Ang grupo na binubuo nina Kimberly Wyatt, Ashley Roberts, at Filipino-American leader Nicole Scherzinger ay huling naglabas ng kanta noong 2020 na “React” kung saan kasama pa dito sina Jessica Sutta at Carmit Bachar.
Kasama pa sa grupo si Melody Thornton bago ito umalis sa grupo noong 2010 para ipursige ang solo career nito at kasama rin ito sa reunion show ng grupo noong 2019.
Ayon sa grupo na naghahanda sila para sa kanilang 50 show sa iba’t-ibang bahagi ng US.
Pinasikat ng grupo ang mga kantang “Don’t Cha”, “Beep”, “Buttons” at maraming iba pa.
















