-- Advertisements --
Ibinunyag ngayon ng singer na si Beyonce na ninakaw ang mga kantang hindi pa nito naipapalabas.
Sinabi nito na kabilang ang hard drive kung saan nandoon ang mga bagong kanta na ninakaw sa sasakyan ng knaiyang choreographer habang ito ay nakaparada sa Atlanta noong Hulyo 8.
Nangyari ang insidente dalawang araw bago ang unang araw ng kaniyang Cowboy Carter tour sa Atlanta.
Ayon sa choreographer nito na si Christopher Grant at dancer na si Diandre Blue, na kanilang ipinarada ang nirentahan nilang black Jeep Wagoneer malapit sa food hall.
Pagbalik nila sa lugar ay nakita nilang binasag na ang bintana at ninakaw ang dalawang maleta.
Mayroon ng suspek ang mga kapulisan na nasa likod ng nasabing pagnanakaw.