-- Advertisements --

Naglabas ng bagong kanta ang American singer na si Beyonce.

Isinabay nito ang nasabing paglabas ng kantang “Morning Dew (Donk)” sa pagdiriwang ng ika-250 taon ng US Independence Day.

Ito ang unang kanta niya mula ng ilabas ang 2024 album na “Act II: Cowboy Carter”.

Labis na natuwa ang fans nito na Beyhive dahil sa mga nagdaang linggo ay mayroon ng pahapyaw ang singer sa kanilang mga social media account.