-- Advertisements --
Inanunsiyo ng K-pop group na TWICE ang pagbabalik nila sa bansa.
Sa kanilang social media account ay isinama nila ang Pilipinas para sa kanilang “This Is For” tour.
Gaganapin ang nasabing concert sa Philippine Arena sa Bulacan sa buwan ng Oktubre 4.
Kasabay din nito ay naglabas sila ng video sa mga nagdaang performance nila at inanunsiyo ang mga venue ng concert na magsisimula sa Inspire Arean sa Incheon, Korea sa buwan ng Hulyo.
Ito na ang pangalawang beses na nagsagawa ng konsiyerto sa bansa ang grupo na ang una ay noong 2023 sa kanilang “Ready To Be” concert.