-- Advertisements --

Naglabas ng panibagong kanta si Grammy-winning artist Bruno Mars.

Ang kantang “I Just Might” ay siyang lead single para sa nalalapit na paglabas niya ng full-length album na “The Romantic”.

Sa darating naman na Pebrero 7 ay ilalabas ng singer ang bagong album na “The Romantic”.

Sa social media account ng singer ay ibinahagi nito ang nasabing magandang balita.

Huling naglabas kasi ng album ang singer ay noon pang 2016 na “24K Magic”.

Kasama rin na inanunsiyo ng singer ang album tour na gaganapin sa iba’t-ibang bahagi ng US, Europe at United Kingdom na magsisimula ang tour sa Las Vegas sa darating na Abril 10.