-- Advertisements --
Inanunsiyo ng singer na si Demi Lovato ang pagkansela ng ilang mga show niya sa US.
Sa social media account nito ay sinabi niya na ang “It’s Not That Deep” tour sa ilang lugar sa US ay kanselado.
Habang ang show niya sa Charlotte sa Abril 8 ay iniurong sa Abril 13 sa Orlando, Florida.
Hindi na rin matutuloy ang mga show niya sa Nashville, Atlanta, Las Vegas at Denver.
Isa mga dahilan nito ay nais lamang niyang protektahan ang kaniyang kalusugan.
Nagkaroon ito kasi ng sakit matapos ang ilang araw na pag-eensayo niya.
Humingi na lamang ito ng paumanhin sa mga fans dahil sa hindi na matutuloy ang kaniyang mga show.
















