Pinarangalan ang kapwa half Filipino na sina Nicole Scherzinger at Darren Criss bilang Best Actress at Best Actress in a Musical sa 2025 Tony Awards —isang malaking tagumpay na itinuturing para sa mga Filipino-Americans sa Broadway.
Unang beses na nominado si Scherzinger at agad siyang nagwagi sa kanyang papel bilang Norma Desmond sa Sunset Blvd., na nanalo rin bilang Best Musical Revival.
Sa kanyang emosyonal na talumpati, nagpasalamat siya sa mga tumulong sa kanya at nagbigay inspirasyon sa mg taong hindi ipinaramdam na iba siya.
Aniya, ”I wanna thank all of you so much for making this little Hawaiian-Ukrainian-Filipino girl’s dream come true. I’m so proud to present.”
Samantala nagwagi rin si Darren Criss, na isa ring Fil-Am, bilang Best Actor in a Musical, na lalo pang nagpatibay ng presensya ng mga Pilipino sa teatro sa Amerika.