Reading Time: 1 minute
Aug 12 2019 regular holiday

Idineklara na ng Malacanang ang Agosto 12, Lunes, bilang holiday dahil sa obserbasyon ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim.

Ito mismo ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea at alinsunod sa Proclamation No. 789 ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Ang Eid’l Adha ay isa sa pinakamahalagang kapistahan ng Islam.

Ito hudyat nang pagsisimula ng mga Muslim para sa taunang pilgrimage sa Mecca.