Binigyang diin ng kataastaasang hukuman na hindi umano sapat na rason ang pakikipagrelasyon sa pagtatalik o para makapang-gahasa ng kasintahan.
Nilinaw ng Korte Suprema na ang relasyon ay hindi nangangahulugan ng agarang ‘consent’ para makipag-sex sa kapwa.
Kinakailangan pa rin anila na pagpayag at mayroong malinaw na ebidensyang makapagsasabi na hindi labag sa kalooban ng isang panig ang pakikipagtalik.
Ayon sa desisyong isinulat ni retired Associate Judge Mario V. Lopez, hinatulan ng ikalawang dibisyon ng Korte Suprema si Jhopet Hernandez Toralde na ‘guilty’ sa kasong panggagahasa ng isang 14-taon gulang babae.
Sinasabing nagpakita at bumisita umano si Toralde sa bahay ng biktima habang mag-isa ito at walang kasama sa loob ng kanilang tahanan.
Dito raw pinilit ng suspek na makipagtalik sa biktima ngunit ito’y tinanggihan kaya’t tinakot niya siya na ipapakita sa pamilya ang video nila ng naghahalikan.
Batay sa isinagawang paglilitis, iginiit ng panig ni Toralde na hindi niya pinilit makipag-sex ang biktima at sinabi pang nasa romantiko naman silang relasyon – depensa nito’y iniugnay sa ‘sweetheart theory’.
Ngunit sa kabila nito’y natuloy ang conviction sa kanya sa kasong sexual abuse sa ilalim ng Anti-Child Abuse Law na siyang pinagtibay naman ng Court of Appeals.
Samantala pagdating naman sa kataas-taasang hukuman, idineklara siyang guilty sa kasong rape ng Revised Penal Code, nakapaloob ang mga elemento ng krimen na pananakot at ‘intimidation’ para makipagtalik lamang sa biktima.
Ibinasura ng Korte Suprema ang sinasabing ‘sweetheart defense’ sapagkat anila’y ang pagkakaroon o habang nasa relasyon ay hindi rason o sapat na dahilan ng pagpapakita ng pagpayag o consent.
Binigyang diin nito na ang pag-ibig ay kailanman hindi lisensya para sa kahalayan kasabay ng paggiit din na ang ‘love affair’ siyang hindi para ma-justify ang rape.