-- Advertisements --
Nagtala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng pagtaas ng kanilang net income sa unang siyam na buwan ng taong 2025.
Mayroong P14.32 bilyon ito ngayon kumpara noong nakaraang taon sa loob ng siyam na buwan na mayroong P9.63-B o mas mataas ng 49 percent.
Una ng sinabi ng PAGCOR na nagkaroon ng pagbaba ang kanilang kita noong nakaraang buwan dahil sa pagtanggal sa mga electronic wallets mula sa kanilang online gambling.
Umakyat din ang kabuuang kontribusyon ng PAGCOR sa nation-building ng 11 percent o katumbas ng P54.26 bilyon kung saan two-thirds nito ay P36.06-B ay napunta sa national government.
Habang mayroong inilaan na P11-B para sa socio-civic projects.
		
			
        













