-- Advertisements --

Mananatili si Susan Areno Yap-Sulit sa kanyang pwesto bilang alkalde ng lungsod ng Tarlac.

Ito’y kasunod nang mag-isyu ang Kataas-taasang Hukuman ng ‘status quo ante order’ sa kasong inihain ni Yap-Sulit kontra resolusyon ng Commission on Elections noong 2025.

Partikular na kanyang isinumite kamakailan ang ‘petition for certiorari’ na may kahilingan maglabas ang korte ng temporary restraining order at/ ng status quo ante order.

Kumukwestyon ito sa inisyung resolusyon ng COMELEC kung saan idiniskwalipika si Yap-sulit sa kanyang pagtakbo para pagka-alkalde ng lungsod noong halalan 2025.

Kaya naman sa naturang ‘status quo ante order’ ng Korte Suprema, layon nito mapanatili ang sitwasyon ng mga partido bago nailabas ang desisyon ng COMELEC En Banc habang nakabinbin pa ang kaso.

Inatasan ng Kataas-taasang Hukuman ang mga respondent na kanilang isumite ang komento sa petisyon ng di’ lalagpas sa sampung araw.

Dahil rito’y kadyat na inihayag ni Mayor Yap-Sulit ang kanyang kagalakan at pasasalamat sa inilbas na kautusan ng Korte Suprema.

Nagpapakita aniya ito ng paninindigan sa ‘due process’ sapagkat giit niya’y ‘political move’ lamang ang kinakaharap na diskwalipikasyon,

“I thank the Supreme Court for being the voice of rationality in what has seemed like a hasty plot to unseat me and reverse the will of the Tarlaqueños,” ani Mayor Susan Areno Yap-Sulit ng Tarlac City.

Maaalalang nitong mga nakaraan lamang ay isinagawa ng mga tagasuporta ng alkalde ang ilang mga kilos protesta, at vigils upang ipanawagan ang patungkol rito.

Kung saan ibinahagi pa ni Mayor Yap-Sulit na kahit may kinakaharap na ganito ay kanyang tiniyak na nagpapatuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho.

“Even as the situation felt uncertain, I have remained at my post, serving the people who placed their trust in me,” ani Mayor Susan Areno Yap-Sulit ng Tarlac City.