Maglalaro na sa Indiana Pacers ang dating bigman ng Los Angeles Clippers na si Ivica Zubac.
Nagkasundo ang dalawang koponan sa naturang deal kung saan kapalit ng sentro ay ang guard na si Bennedict Mathurin, Kobe Brown, Isiah Jackson, protected 2026 first-round draft pick, 2029 first-round pick, at isa pang second-round pick.
Ang Pacers ang nagsisilbing defending champion sa eastern conference ngunit matapos ma-injury ang star na si Tyrese Haliburton sa 2025 Finals ay tuloy-tuloy nang bumagsak ang koponan.
Tuluyan ding lumipat ang dati nitong bigman na si Myles Turner at sa kasalukuyan ay nalasap na nito ang 38 pagkatalo habang nananatili sa 13 ang panalo ng koponan.
Inaasahang pupunan ni Zubac ang center position sa kaniyang paglipat sa Indiana.
Ngayong 2025-26 NBA season, hawak niya ang average na 14.4 points, 11.0 rebounds, at 2.2 assists per game
Sa kabilang banda, inaasahan namang pupunan ni Mathurin ang opensa ng Clippers, kasama ang 2-time NBA champ na si Kawhi Leonard.
Hawak nito ang average na 17.5 points, 5.4 rebounds, at 2.1 assists per game ngayong season, at napapanatili ang impresibong 43% 2-point shooting.
















