-- Advertisements --

Panalo ang Golden State Warriors (GSW) laban sa Los Angeles Clippers sa pagharap ng dalawa para sa Spot No. 9 sa Western Conference.

Dahil dito, haharapin ng Warriors ang Phoenix Suns para sa Spot No. 8. Ang mananalo sa dalawa ay tuluyang makakausad sa 2026 Playoffs at haharap sa top NBA team na Oklahoma City Thunder.

Sa naging laban sa Clippers, unti-unting hinabol ng Warriors ang 9-point deficit na dinanas nito sa unang quarter, 31-22.

Sa ikalawang quarter ay bumaba ito ng isang puntos at dalawang puntos naman ang ibinaba sa pagtatapos ng 3rd quarter, 89-83.

Sa kabila ng 6-point deficit, pinilit ng Warriors na dominahin ang huling quarter sa pamamagitan ng agresibong opensa sa pangunguna nina Stephen Curry at Brandin Podziemski. Sa pag-arangkada ng GSW, nagawa nitong ibaba sa isang puntos ang deficit, 114-115, dalawang minuto bago matapos ang laban.

Limampung segundo bago matapos ang regulation, naitabla na ng Warriors ang score sa 117, at tuluyang umangat sa 120-117 sa pamamagitan ng isang 3-pointer ni Stephen Curry.

Hindi na nakabawi pa ang Clippers mula dito, at lalo pang umangat sa 5 points ang lead ng GSW sa pagtatapos ng dibdibang laban, 126-121.

Nagtapos si Curry na may 35 points, hawak ang positive 9 performance. Nagawa naman ng Golden State bigman na si Kristaps Porzingis na magbuhos ng 20 points, at tig-limang rebounds at assists, kasama ang dalawang blocks.

Sa Clippers, nalimitahan lamang ang batikang forward na si Kawhi Leonard sa 21 points sa kabila ng paglalaro niya ng 40 mins.