Hiniling ng Department of Transportation (DOTr)sa airline companies na maglaan ng libreng cargo space para sa pagdadala ng relief goods sa mga lugar na labis na tinamaan ng Super Typhoon Uwan.
Ito ay sa pamamagitan ng Civil Aeronautics Board (CAB).
Sa advisory na inilabas ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla, hinihilig nito sa mga kumpaniya na suportahan ang gumugulong na relief operations sa mga labis na sinalanta ng nagdaang bagyo.
Sa ilalim nito, hinihimok ang mga air carrier na mag-allocate ng cargo space para sa libreng pagbibiyahe at pagdadala ng relief goods sa mga apektadong lugar, salig sa safety at operational limitation sa transportasyon.
Agad namang magiging epektibo at ipapatupad ang CAB advisory sa loob ng 30 araw, maliban lamang kung ito ay babawiin o papalawigin pa.
Una na rin itong ginawa ng CAB kasunod ng naunang pananalasa ng iba pang malalakas na bagyo ngayong taon, tulad ng bagyong Opong na labis na nanalanta sa Bicol Region.
















