-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Korte Suprema ang mga patakaran sa paggamit ng Filipino Sign Language (FSL) sa lahat ng paglilitis, bilang hakbang para matiyak ang pantay na access sa hustisya sa mga may kapansanan sa pagsasalita at pandinig.

Ayon sa kautusan mandatory at kwalipikado ang mga accredited na FSL interpreters para i-assist ang mga nasasakdal na may kapansanan sa pandinig o yung mga taong hirap din pong makapagsalita gayundin ang mga saksi na may kaparehong kapansanan.

Kaugnaya nito, pinahihintulutan din ang on-site at remote interpreting, na protektado naman ng batas para mapangalagaan ang confidentiality, at reliability ng interpretations.

Nabatid na ang hakbang ay kasunod sa umiiral na Filipino Sign Language Act o Republic Act No. 11106 at pagtalima narin sa UN Convention on the Rights of Persons with Disabilities (UNCRPD).

Samantala magiging epektibo ang mga patakaran kapag nailathala na ito sa Official Gazette o dalawang pahayagan ng national circulation.