Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na sinampahan ng patong-patong na kaso ang negosyanteng si Atong Ang at kasamahan nito dahil sa pagkakasangkot sa mga nawawalang sabungero.
Sinabi ni DOJ Secretary Crispin Remulla, na ang ang mismo mga kaanak ng mga biktima ng mga nawawalang sabungero ang nagsampa ng kasong multiple murder at serious illegal detention.
Kasama rin na kinasuhan ang actress na si Gretchen Barretto at iba pa.
Dagdag ng kalihim na malinaw na mayroong pangunahing saksi at testigo na nagpapatunay na sangkot si Ang.
Pinuri din ni Remulla ang whistlelower na si Julie “Dondon” Patidongan dahil sa tapang nito na ibunyag ang mga nasa likod ng mga nawawalang sabungero.
Itinuturing ni Remulla si Ang bilang “main player” sa kaso lalo na at siya ang amo n Patidongan.
Natitiyak ni Remulla na mayroong patas sa pagdinig sa kaso para magkaroon ng tamang pagresolba sa kaso.