asteriod

Pinawi ng Pagasa Astronomy Division ang pangamba ng publiko sa report ukol sa paglapit ng isang asteroid ngayong weekend.

Ayon kay Engr. Dario dela Cruz, makikita lamang ang Asteroid 66319 sa mundo ngunit hindi babagsak sa lupa.

Ang magiging pinakamalapit na lokasyon nito sa Earth ay 13.5 lunar distance sa bilis na 21.5 kilometer per second.

Nabatid na may laki itong 1,780 meters o 1.7 kilometro at kayang lumikha ng malaking pinsala kung sa daigdig ito babagsak.