-- Advertisements --

Inaasahang sesentro sa kasalukuyang global economic challenges ang magiging pangunahing punto ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leader’s Meeting sa Oktubre.

Magkikita-kita rito ang mga pinuno ng 21 miyembro ng APEC sa South Korea.

Ang pagtitipon ay mahalaga habang patuloy na nahaharap ang rehiyon sa mga hamon sa kalakalan, digital na pagbabago, at polisiya.

Inaasahan ang mga bilateral sidelight meetings, kabilang ang pagkikita nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay Eduardo Pedrosa ng APEC Secretariat, patunay ito sa kahalagahan ng APEC bilang plataporma ng dayalogo at kooperasyon.

Gaganapin ang pulong sa ilalim ng temang “Building a Sustainable Tomorrow: Connect, Innovate, Prosper.”

Mauuna rito ang mga pagpupulong ng mga ministro at senior officials mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 1 sa Gyeongju.

Target ng mga lider na isulong ang APEC Putrajaya Vision 2040 at Aotearoa Plan of Action para sa mas inklusibo at matatag na pag-unlad.