-- Advertisements --

Ihahain ng kampo ni Alice Guo, dating alkalde ng Bamban, Tarlac, ang apela laban sa hatol ng lokal na korte na nagkonbikta sa kanya ng qualified human trafficking, isang non-bailable na krimen na may mabigat na parusa sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Ayon kay Nicole Jamilla, abogado ni Guo, ang apela ay bahagi ng pagtatanggol sa kanyang karapatan bilang akusado.

Hinahatulan si Guo at ang kanyang pitong co-accused ng habambuhay na pagkakakulong, multa na P2 milyon, at karagdagang bayad-pinsala sa mga biktima.

Samantala, inaasahan ngayong linggo ng Pasig RTC Branch 167 na maglabas ng resolusyon sa mosyon ng kampo ni Guo para payagang manatili siya sa Pasig City Jail Female Dormitory, imbes na ilipat sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong. Pinuna ng kanyang kampo ang seguridad at kaligtasan ni Guo sakaling ilipat sa national facility.

Si Guo, 35, ay naaresto ng pulisya sa Indonesia noong Setyembre 2024 matapos tumakas mula sa Pilipinas. Noong Hunyo, idineklara ng Manila RTC Branch 34 na ang Chinese citizen na si Guo Hua Ping at Alice Leal Guo ay iisang tao, at ang kanyang pagiging alkalde ng Bamban ay walang bisa. (report by Bombo Jai)