-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang bagyong Agaton na nananatili sa silangan ng Visayas.
Natukoy ang sentro nito sa layong 130 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito nang mabagal sa direksyong pahilagang silangan.
Signal number 1: Eastern Samar, Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands
Samantala, ang isa pang papalapit na bagyo ay nananatili naman sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 1,915 km sa silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at pagbugsong 90 kph.
Kumikilos naman ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.