Naaresto ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) ang hindi bababa sa 26 na indibidwal para sa iba’t ibang mga paglabag sa cybercrime law simula lamang nitong Agosto 3 hanggang Agosto 9.
Sa isang pahayag, iniulat ni ACG Director PBGen. Bernard yang na mula sa bilang na ito 18 ang nahuli sa mga entrapment operations habang walo naman ang wanted person na naaretso sa hiwalay na operasyon ng yunit.
Mula naman sa mga operasyon na ikinasa ng ACG at maging sa kabuuang datos, isang biktima ang nailigtas at kasalukuyan nang nasa maayos na kalagayan.
Ayon pa kay Yang, nakapaghain na rin ng convictions ang kanilang yunit sa dalawang suspek dahil sa mga cybercrime related cases nito.
Samantala, ang isang linggong operasyon naman ng ACG ay nagbunga ng 22 cyber warrants, 34 na ang naihaing mga kaso habang 15 naman ang sumasailalim na sa inquest proceedings.