Magtatatag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng isang bagong yunit na tatawaging Strategic Defense Command na tututok sa pagsasagawa ng mga joint military exercises kasama ang iba’t ibang bansa, ayon sa opisyal ng militar.
Sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na target nilang maging operational ang bagong command ngayong taon.
Paliwanag ni Padilla, ito ay pagsasanib ng mga pagsisikap at ang mga military exercises ay nasa ilalim pa ng Education, Training, and Doctrine Command. Kaya’t gagawa sila ng unit na tutok lang sa mga ganitong training
Ayon sa AFP, lumalawak na ang saklaw ng pakikipagsanayan ng Pilipinas sa ibang bansa, kaya’t kinakailangang magkaroon ng dedikadong yunit na susubaybay sa mga ito. Bahagi rin ito ng modernization program ng AFP kung saan may mga bagong kagamitang pandigma na isinama sa mga kasalukuyang pagsasanay.
Kasama sa layunin ay kung paano gamitin ang mga modernong kagamitan, at paano ito isasabay o isasanib sa mga dayuhang pwersang kasama sa mga pagsasanay
Kaugnay nito, kasalukuyang isinasagawa ang Balikatan 2025, ang taunang joint drills ng Pilipinas at Estados Unidos kung saan tinatayang 17,000 tropa ang kasali.
Sa taon na ito, mas pinalawak ang saklaw ng full battle exercises na isinasagawa sa iba’t ibang lokasyon sa bansa. (report by Bombo Jai)