AFP chief of staff Felimon Santos
AFP chief of staff Gen. Felimon Santos

Lusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Armed Forces Chief of Staff Felimon Santos Jr.

Sa pagsalang ni Santos, walang naging tutol sa panig ng mga miyembro ng lupon.

Pawang papuri ang natanggap nito mula sa mga mambabatas.

Nakatakdang manilbihan si Santos hanggang Agosto 3, 2020.

Samantala, kumpirmado na rin ang appointment ng kauna-unahang babaeng commodore ng Philippine Navy na si Commodore Luzviminda Camacho.

-- Advertisement --