-- Advertisements --
Kumpiyansa ang National Food Authority (NFA) na mayroong silang sapat na suplay ng bigas ngayong panahon ng tag-ulan.
Sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson na marami ngayon ang bigas na pumapasok sa bodega nila kumpara sa mga lumalabas.
Nasa 11.5 na araw pa ang buffer stocks kaya wala dapat aniya na ipangamba.
Sapat din aniya ang kanilang buffer stocks sa pagsustento ng mga programa ng gobyerno gaya ng P20 kada kilo na bigas sa mga vulnerable sector hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa taong 2028.