abueva
Calvin Abueva/ Photo courtesy of PBA

Wala pang kalinawan kung kailan makakabalik sa paglalaro si Calvin Abueva.

Ito ay matapos na muling nakipag-usap sa ilang opisyal ng PBA matapos na patawan ng indefinite suspension.

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial, na tinawagan siya ni Abueva subalit hindi nito binanggit kung kailan ang muling paglalaro.

Dagdag pa ni Marcial na depende aniya ang pagtanggal ng suspension kung gaano ito kasersyoso sa paghingi ng kapatawaran sa kaniyang nasaktan at dapat lubos na maipakita nito na totoong nagbago na ito.

Magugunitang pinatawan ng indefinite suspension at P70,000 na multa matapos ang pananakit kay TNT import Terrence Jones noong Hulyo.