Binaril-patay ng hindi pa nakilalang mga suspek ang isang abogado at driver nito sa Sta. Rita, Pampanga.

Kinilala ang biktima na si Atty. Carlos Montemayor Anselmo habang ang driver nito ay nakilalang si Marcial Perez Mendoza.

Sa imbestigasyon ng Sta. Rita Municipal Police Station, lumalabas na habang nasa loob ng kanilang sasakyan ang biktima ay nilapitan ito ng hindi nakilalang suspek at bigla na lamang pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pangyayari.

Habang inaalam pa ng kapulisan ang motibo ng pamamaril.