Pinangunahan ni Sri Lankan President Maithripala Sirisena ang pagsira sa nasa 800 kilos ng cocaine.

Nakuha ang nasabing mga droga sa apat na drug operations mula June 2016 at June 2018.

Ayon sa Sri Lankan President na magiging mahigpit ang kanilang ipapatupad na anti-drug operations.

Plano din nitong bumili ng mga makabagong teknolohiya para agad na maaresto ang mga nagpupuslit ng iligal na droga sa kanilang bansa.

Tiniyak nito na kaniya ng pipirmahan ang batas sa pagpapatupad ng parusang bitay subalit ito ay para lamang sa mga makailang ulit na naaresto sa pagbenta ng iligal na droga.