-- Advertisements --
Nasa walong kata ang nasawi sa ginawang airstrikes ng US sa dalawang bangka na nagdadala ng iligal na droga sa Carribean.
Ayon sa US Southern Command na sa unang dalawang bangka na kanilang tinamaan ay limang katao ang nasawi na inooperate umano ng Designated Terrorist Organizations.
Isang araw bago ang insidente ay tinamaan din ng US airstrike ang “convoy” ng tatlong bangka na may kargang iligal na droga at ikinasawi naman ng tatlong katao.
Agad namang nakipag-ugnayan ang SOUTHCOM sa US Coast Guard para isagawa ang rescue sa mga maaaring nakaligtas sa airstrikes.
















