Reading Time: 1 minute
China
China

Patay ang walong batang mag-aarala matapos na sila ay pagsasaksakin ng 40-anyos na lalaki sa China.

Agad na naaresto ng mga rumesponding pulis ang suspek na nanaksak sa Chaoyangpo Village sa Hubei province.

Bukod sa mga nasawi ay may dalawang bata pa ang sugatan na itinakbo naman sa pagamutan.

Gumagawa na ng paraan ang lokal na pamahalaan para sa rehabilitation kasama na ang psychological counselling ng mga biktima.

Hindi lamang ito ang unang pagkakakataon na may nangyaring pang-aatake sa paaralan dahil noong October 2018 ay isang babae naman ang nanaksak sa 14 na bata sa kindergarten sa Sichuan province.