-- Advertisements --

Nakatakdang i-export ng Japan ang anim na warships o barkong pandigma sa Pilipinas.

Base sa report mula sa pangunahing pahayagan sa Japan, nagkasundo ang Pilipinas at Japan na i-export ang 6 na gamit ng Abukuma-class destroyer escorts ng Japan Maritime Self Defense Force na nasa serbisyo sa loob na ng mahigit 30 taon at kinomisyon mula noong taong 1989 hanggang 1993.

Ibinunyag umano ang naturang impormasyon ng mga opisyal ng gobyerno ng Japan.

Iniulat sa inilathalang artilkulo na kinumpirma nina Japan Defense Minister Gen Nakatani at Philippine Defense Minister Gilberto Teodoro ang impormasyon hinggil sa pag-export ng used escort ships sa isinagawang pagpupilong sa Singapore noong Hunyo.

Nakasaad din sa naturang pahayagan na base sa kanilang sources nakatakdang inspeksiyunin ng Philippine military ang Abukuma class destroyer escorts ngayong summer sa Japan para suriin ang main guns at iba pang equipment gayundin ang maintenance status ng warships at isagawa ang mga pinal na paghahanda bago ito i-export.

Nakasaad din sa pahayagan na layunin ng pag-export ng destroyer escorts sa PH na mapahusay pa ang interoperability kasama ang militar ng PH at magkasamang palakasin pa ang deterrence at response capabilities laban sa China na may maritime dispute sa PH.

Ang Abukuma-class destroyer escort ay maliit na uri ng destroyer na may 2,000-ton standard displacement, na inooperate ng nasa120 crew, armado ito ng anti-submarine at anti-ship missiles, torpedo tubes at guns.