Pirmado na ni US President Donald Trump ang $8.3 billion na emergency bill para sa paglaban sa coronavirus outbreak.

Ang nasabing pagpirma ay kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga nadapuan ng virus sa US na umabot na sa 233 at 14 dito ang namatay dahil sa COVID-19.

Binisita rin ni Trump ang headquarters ng Disease Control sa Atlanta para matiyak na ginagawa ng ahensiya ng kanilang trabaho.

Nanawagan naman si Trump sa mga kababayan nito na maging kalmado kasunod ng pagtaas ng bilang ng nadadapuan ng coronavirus sa buong mundo.