Umabot sa mahigit tatlong oras bago tuluyang maapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang naganap na sunog sa Obando, Bulacan.

Nagsimula ang sunog pasado 6:30 kagabi at ito ay tuluyang naapula mag-aalas-diyes na.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa mga light materials ang mga ito.

Nasa 70 pamilya ang nawalan ng tirahan at nagpalipas ng gabi sa gilid ng kalsada.