-- Advertisements --
Hindi na pinapansin ng actress na si Kim Rodriguez ang mga nag-uugnay sa kaniya kay Bulacan Governor at dating actor na si Daniel Fernando.
Nitong nakaraang Abril ay kumalat ang mga larawan na magkasama ang dalawa.
Makikita pang nakaakbay ang actress na may hawak na boquet habang nasa likod ang mamahaling sasakyan.
Inaakusahan pa ang gobernador na sa aktress inuubos umano ang pera ng kanilang probinsiya.
May ilang fans naman ito nang nagtatanggol kung saan sinabi nila na wala namang isyu aniya dahil sa parehas ang dalawa na single.