-- Advertisements --

Nagbabala ang mga eksperto, sa posibleng maghapong pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa dulot ng low pressure area (LPA) na humahatak sa habagat o southwest monsoon.

Apektado nito ang ilang lalawigan sa Luzon, maging ang Metro Manila, probinsya ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.

Bukod sa LPA, ang hanging habagat ay nagpapalakas ng ulan sa Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, at Ilocos Norte.

Inaasahang tatagal ang weather condition sa kabuuan ng araw na ito at maaaring maulit hanggang weekend.

Nagbabala rin ang mga eksperto sa posibleng flash floods at landslides, lalo na sa mga lugar na ilang araw nang inuulan.