Nasa pitong katao ang nasawi dahil sa pagkakasunog ng oil tanker sa Indonesia.

Pawang nakasakay sa 250 meters na haba ng oil tanker na pag-aari ng kumpanyang Jag Leela.

Naganap ang insidente sa Belawan port sa North Sumatra.

Nahirapan ang mga rumespondeng bumbero dahil sa mabilis na kumalat at lumaki ang nasabing apoy.

Posibleng hindi na nakalabas ang mga biktima.

Umaabot naman sa 22 katao ang nasugatan na kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.