Hangad ni Parañaque 2nd District Representative Brian Raymund Yamsuan na mabigyan ng trabaho ang mga Persons with Disability (PWDs) at mga senior citizens na makahanap ng trabaho at may access sa upskilling opportunities.
Dahil dito isinusulong ng Kongresista na magtatag ng public offices sa local government level at makipag partner sa private sector na siyang tutulong sa mga PWDs at secior citizen na makahanap ng trabaho.
Ayon kay Yamsuan ang mga indibidwal na may kapansanan at mga seniors na fit to work ay maaring maging produktibong miyembro ng ating ekonomiya kung sila ay mabibigyan ng tiyansa.
Dagdag pa ng mambabatas, ang mga PWDs at senior citizen ay hirap makahanap ng trabaho dahil sa diskriminasyon kulang sa training at mga impormasyon.
“Sayang ang kanilang galing, dedikasyon at sipag na madadala sa kanilang trabaho kung sila ay mananatiling jobless. Sa halip na kaawaan o hindi bigyang pansin, dapat ay kinikilala natin ang kanilang mga kakayahang makapag-ambag sa paglago ng ating ekonomiya,” pahayag ni Yamsuan.
Inihayag ni Yamsuan na ngayong 20th Congress kaniya muling ihahain ang panukalang batas na naglalayong atasan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magtatag at mag operate ng job facilitation offices para sa mga PWDs at seniors na tatawaging Local Centers for Inclusive Employment (LCIEs).
Binigyang-diin ni Yamsuan na ang nasabing panukala ay suporta sa agenda ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magpatupad ng beneficial policies and programs na makakatulong sa mga PWDs at senior citizen.