-- Advertisements --

Sumabak na ang Gilas Pilipinas Women’s Basketball Team sa 2025 FIBA Asia Cup na ginaganap mula Hulyo 13 hanggang 20 sa Shenzhen, China.

Walong bansa ang naitalang kalahok sa palaro, kung saan ang kampeon ay awtomatikong makakakuha ng puwesto sa 2026 FIBA Women’s World Cup, habang ang ikalawa hanggang ikaanim na puwesto ay papasok sa World Cup Qualifying Tournaments.

Nasa Group B ang Pilipinas kasama ang matitinding kalaban na bansang Australia, Japan, at Lebanon.

Iskedyul ng laro ng Gilas Pilipinas Women sa group stage

  • Hulyo 13, Linggo – 4:30 PM: Pilipinas vs Australia
  • Hulyo 14, Lunes – 7:30 PM: Pilipinas vs Japan
  • Hulyo 16, Miyerkules – 1:30 PM: Pilipinas vs Lebanon

Samantala, narito naman ang opisyal na Lineup ng Gilas Pilipinas Women (Final 12): Cielo Pagdulagan; Kacey Dela Rosa; Ella Fajardo; Jack Animam; Kent Jane Pastrana; Louna Ozar; Khate Castillo; Yvette Villanueva; Angel Surada; Sumayah Sugapong; Naomi Panganiban; at Vanessa de Jesus

Target ng koponan ang makapasok sa top 6 upang manatiling buhay ang pag-asa sa World Cup.

Patuloy naman ang suporta ng sambayanang Pilipino sa kanilang laban sa mga malalaking bansa sa Asya.