-- Advertisements --

Maghaharap ang defending champion na Australia at dating kampeon China sa finals ng 2025 FIBA Asia Cup sa Lunes, Agosto 18, sa ganap na alas-12:00 ng madaling araw (oras sa Pilipinas), sa Jeddah, Saudi Arabia.

Target ng Australia na masungkit ang ikatlong sunod na titulo matapos talunin ang Gilas Pilipinas (84-60) sa quarterfinals at ang Iran (92-48) sa semifinals.

Mula nang sumali sa torneo noong 2017, dalawang beses nang nagkampeon ang Boomers.

Samantala, nais bumawi ng China matapos ang huling kampeonato nito noong 2015.

Matatandaan na umusad sila sa finals matapos talunin ang New Zealand, 98-84.

Maglalaban naman ang Iran at New Zealand para sa third place ngayong Agosto 17, sa ganap na alas-7:00 ng gabi.

Narito ang mga natitirang oras ng laro:

Agosto 17, 7:00 p.m. – Iran vs New Zealand (Laban para sa 3rd place game)

Agosto 18, 12:00 a.m. – Australia vs China (Finals)