-- Advertisements --

Nabigo ang Gilas Pilipinas Women sa kamay ng South Korea 104-71 sa semi-finals qualification match ng FIBA Women’s Asia Cup.

Dahil dito ay natapos na ang kampanya ng Gilas Women para sa kampeonato sa nasabing torneo na ginaganap sa China.

Sa unang quarter pa lamang ay dominado na ng Koreans ang laro 30-16 hanggang mapalawig pa ang kalamangan sa pagtatapos ng unang quarter.

Hanggang sa last quarter ay hindi bumitiw ang Koreans at hindi na rin nakalamang pa ang Gilas Womens.

Nasayang naman ang nagawang 19 points, apat na rebounds, tatlong assists at dalawang steals ni Naomi Panganiban ng Gilas Womens.

Susunod na makakaharap ng Gilas Womens para sa ikalimang puwesto ang New Zealand sa Hulyo 19.