-- Advertisements --

Hindi na ikinagulat ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang game-saving performance ni Justin Brownlee laban kontra Saudi Arabia sa 2025 FIBA Asia Cup, matapos isalba ang koponan at pangunahan ang 95-88 overtime victory para sa quarterfinals berth.

Naitabla ni Brownlee ang laro sa 79-all sa pamamagitan ng isang clutch three-pointer sa dulo ng regulation. Kasama sina Kevin Quiambao, Dwight Ramos, at AJ Edu, tinapos nila ang laban sa matatag na opensa sa overtime.

“It’s not unusual. He’s been hitting big shots,” ani Cone, na matagal nang nakasama si Brownlee sa Barangay Ginebra at sa Asian Games gold medal run noong 2023.

Sa nasabing laro, si Brownlee ang nag-top score para sa Gilas na may 29 points, habang pinuri rin ang husay ng host team at ang sigasig ng fans.

Samantala, aabante na ang Gilas sa quarterfinals ng 2025 FIBA Asia Cup.