Patuloy na nagpupunyagi si Jack Animam para itaguyod ang women’s basketball sa Pilipinas, at kumuha ng inspirasyon mula sa mantra ni NBA star Ja Morant.
Sa kanyang pagbisita sa Pilipinas bilang bahagi ng “Make Them Watch” tour, ibinahagi ni Morant ang kanyang mensahe ng patuloy na pag-pupursige, isang mensaheng sumasalamin kay Animam at sa mga layunin ng Gilas Pilipinas Women basketball team.
Ang mga Filipina ay kamakailan lang nagtamo ng Division A status sa 2025 FIBA Asia Cup matapos talunin ang Lebanon sa isang dikdikan na laban, kung saan nanguna si Animam at nakipagtulungan sa mga kabataang manlalaro gaya nina Naomi Panganiban at Sumayah Sugapong.
“Bata man kami, ipinakita namin ang aming tibay,” ani Animam.
Inaasam din ni Animam na makita ang mas maraming international basketball stars na makipag-ugnayan sa lokal na basketball scene, lalo pa’t ang Pilipinas ay isang basketball-crazy na bansa.