-- Advertisements --

Itinalaga ng Samahang Basketbol ng Pilipinas si Burke “BT” Toews bilang bagong head coach ng Gilas Pilipinas Women.

Papalitan ni Toews si Patrick Aquino na matagal ding namuno sa national team at tumulong sa pag-angat ng Gilas Women sa international basketball scene.

Nakilala si Toews sa kanyang matagumpay na pamumuno sa Fujitsu Red Waves sa Japan kung saan napanalunan nila ang magkasunod na kampeonato noong 2024 at 2025.

Inaasahang pangungunahan niya ang kombinasyon ng beterano at batang manlalaro ng Gilas Women kabilang sina Jack Animam, Afril Bernardino, at Kacey Dela Rosa.

Kasalukuyang nasa ika-30 puwesto sa world rankings ang Gilas Women matapos ang matagumpay nilang kampanya sa iba’t ibang international tournaments ngayong taon.