Sinuspendi ng Memphis Grizzlies ang two-time All-Star guard na na si Ja Morant sa kanilang magiging laro kontra Toronto Raptors, dahil sa pagbibigay nito ng hindi magandang komento sa kanyang koponan.
Nag simula ang isyu matapos talunin ng Los Angeles Lakers ang Memphis sa score na 117-112, kung saan naging malamya ang laro ni Morant at pumuntos lang ito ng 8 hanggang magtapos ang laban.
Sa laro pa lamang ay mapapansin ng dumidistansya ang star player sa kanyang team, kung saan namataan pa itong malayo sa bench area ng kanyang koponan.
Sa katanungan kung bakit hindi maganda ang kanyang naging laro, ang tanging sagot laman ni Morant ay tanungin ang coaching staff.
Ito ang pinakabagong disciplinary actions na nakuha ni Morant.
Una nang nasuspendi si Morant noong 2023 dahil sa pagkuha nito ng video sa sarili na may hawak na baril kung saan 33 laro itong na suspendido at nagmulta pa ng hindi bababa sa $8.3 million.















