Ligtas na nakabalik na ang karagdagang 11 pinoy seafarers na mula sa MV Magic Seas na inatake ng Houthi rebels sa Red Sea.
Sa pangunguna ng Department of Migrant Workers (DMW), mainit nilang sinalubong ang mga seafarers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City na silang lulan ang mga marino ng flight SQ 0918.
Ang mga seafarers na ito ay narescue at pansamantalang nanatili sa Djibouti matapos na maideklarang ilan sa mga nakaligtas sa naging paglunog ng naturangb barko.
Matatandaan naman na kabilang ang 17 na mga pinoy seafarers ang naipaulat na sakay ng MV Magic Seas nang atakihin ito ng mga rebelde noong Hulyo 6.
Samantala, tiniyak naman ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac katuwang ang ilan pang ahensya gaya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Health (DOH) at maging Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makakatanggap ng pinansyal na tulong at ilan pang benepisyo ang mga seafarers na ito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.