-- Advertisements --

Nakatakdang dumating sa Pilipinas mamayang gabi, Sabado, Disyembre 6 ang labi ng Pinoy seafarer na nasaawi sa pag-atake ng Houthi rebels sa cargo ship na MV Eternity C sa Red Sea noong Hulyo ng kasalukuyang taon.

Kinumpirma ito ni Migrant Workers Undersecretary Felicitas Bay sa isang pulong balitaan ngayong araw ng Sabado, Disyembre 6.

Ayon sa DMW official, nasawi ang Pinoy seafarer matapos malunod nang mangyari ang pag-atake noong Hulyo.

Tiniyak naman ng opisyal na magbibigay ang DMW ng P100,000 tulong pinansiyal para sa naulilang pamilya ng nasawing Pinoy seafarer.

Matatandaan, dalawa pang seafarers ang napaulat na nasawi sa pag-atake ng Houthi rebels habang isa ang nananatiling nawawala.

Noong Huwebes, nauna nang nakauwi sa bansa ang 9 na Pinoy seafarers na binihag ng Houthis makalipas ang halos pitong buwan.