-- Advertisements --

Pina-recall na at tinanggal na sa puwesto ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang mga kawani nila sa Bahrain.

Kasunod ito sa sumbong ng ilang mga overseas Filipino workers (OFW) dahil sa hindi magandang inasal ng mga ito sa kanila.

Pinagtabuyan umano ang mga OFW sa Bahrain ng lumapit sa Philippine Embassy para makahingi ng tulong dahil sa nararanasang krisis sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Cacdac na kanilang pagpapaliwanagin ang mga tauhan nito sa kanilang inasal.