-- Advertisements --

Ligtas na nakauwi ng bansa ang 10 seafarers na siyang kabilang sa mga crew ng isang cargo ship na inatake ng hindi pa nakikilala na grupo sa bahagi ng Gulf of Aden nitong Sabado ayon yan sa Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at ng United Kingdom Maritime Trade Operations, ang naturang Netherlands-flagged cargo vessel na MV Minervagracht ay tinamaan ng isang projectile na siyang pinagmulan ng sunog.

Namataan ang cargo ship sa layo na 120 nautical miles mula sa Yemen Port City sa Aden na siyang may lulan na 19 crew na pawang mga Russian, Ukrainian at Sri Lankan at Pinoy.

Samantala, agad naman na naligtas ng mga rescuers ang lahat ng crew ng naturang vessel.

Kinumpirma naman ni Cacdac na bagamat ligtas ang lahat ng tripulante ay dalawang Pilipino naman ang sugatan sa insidente.