-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasawi ang isang Pinoy seafarer na sakay ng cargo vessel na MV Minervagracht na intake habang nasa Gulf of Aden noong Setyembre 29.

Inanunsiyo ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang pagpanaw ng Pilipinong tripulante, na kritikal na nasugatan sa pag-atake.

Nagpaabot din ng taus-pusong pakikiramay ang kalihim sa naulilang pamilya ng nasawing Pinoy seafarer.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., magbibigay ang ahensiya ng buong suporta at tulong sa pamilya ng nasawing tripulante.

Matatandaan, tinamaan ng hindi pa tukoy na projectile ang cargo vessel na nagresulta ng pagkasunog nito habang naglalayag sa may Gulf of Aden.

Nasagip ang lahat ng 19 na sakay na crew member kabilang ang Russian, Ukrainian, Pilipino at Sri Lankan nationals. Nasa 12 dito ay mga Pilipino kung saan dalawa ang nagtamo ng injuries na nagresulta nga sa pagkasawi sa isa sa mga ito.